PATAY ang isang babae matapos pagbabarilin sa Calatagan Street, Barangay Palanan, Makati City, Huwebes ng umaga.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, magdedeposito sana ng pera ang biktimang empleyado ng Tambunting Pawnshop nang tambangan.
Galing ito ng opisina na 100 metro lang ang layo kung saan siya binaril.
Nabatid ng Makati Police na riding-in-tandem ang umatake sa biktima pero nang pumalag ang huli ay pinuruhan siya.
Inaalam pa kung may nakuhang pera sa biktima dahil naiwan ang bag nito at nagkalat ang pera mula sa bag.
Patuloy na tinutugis ang mga responsable sa krimen.
Inaalam na rin kung may CCTV camera malapit sa crime scene at kung nahagip nito ang insidente.
The post Babae, patay sa pamamaril sa Makati appeared first on Remate.