WALO katao na ang namatay dahil sa matinding ulan sa Caribbean islands ng St. Vincent.
Dahil dito, napilitan si Prime Minister Ralph Gonsalves na putulin ang kanyang holiday vacation sa London upang personal na ma-monitor ang sitwasyon sa kanyang lugar.
Ayon sa opisyal, hindi nito akalain na daranas sila ng kalamidad kasabay ng Pasko.
Marami ring mga residente ang lumikas lalo’t nakakapagtala na rin ng landslide at pagbaha sa karatig na isla ng St. Lucia.
“The region was expected to remain on rain alert,” saad ng meteorological services.
The post 8 patay sa walang tigil na ulan sa Caribbean islands appeared first on Remate.