Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nagselos na tomboy, nang-hostage ng kinakasama

$
0
0

MATINDING selos ang nakikitang motibo ng pulisya kaya nagawang bihagin at gawing hostage ng 30-anyos na tomboy ang kinakasamang ginang gayundin ang dalawa nitong anak makaraang pagsasaksakin ang kadarating pa lamang na asawa ng biktima sa Pateros.

Halos isang oras nakipagnegosasyon ang mga awtoridad bago sumuko ang suspek na nakilalang si Delia Enriquez, ng 44-G Sitio Pagkakaisa St., Barangay Sta. Ana matapos i-hostage sina Jenelyn Rinego Dacuma at dalawang anak nito na sina Carl, tatlong taon at Unix, dalawang taon.

Kritikal naman sa Rizal Medical Center ang asawa ni Jenelyn na si Rodolfo Dacuma, 32, nang pagsasaksakin ng suspek dahil sa matinding selos.

Ayon kay Chief Insp. Boy Navia, hepe ng Intelligence Unit ng Pateros police, nakipagrelasyon ng mahigit isang taon ang ginang sa tomboy na suspek habang nagtatrabaho sa Saudi Arabia ang mister na si Rodolfo.

Noong araw ng Pasko ay dumating si Rodolfo kaya’t muling nabuo ang pagsasama ng pamilya na labis na ipinagselos ni Ramirez lalo na nang mapuna na hindi na siya pinapansin ng ginang.

Alas-8:30 ng umaga nang komprontahin ni Enriquez ang ginang sa kanilang tirahan sa 54 Sitio Pagkakaisa, Barangay Sta. Ana subalit nanghimasok si Rodolfo kaya’t pinagsasaksak siya ng tomboy na suspek.

Nagsisigaw na humingi ng tulong si Jenelyn subalit tinutukan siya ng patalim at kinaladkad papasok sa loob ng silid ng suspek, pati na ang dalawa nitong anak para gawing hostage.

The post Nagselos na tomboy, nang-hostage ng kinakasama appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>