Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Wire tapping vs drug syndicate, aprub sa PDEA

$
0
0

PABOR si PDEA Director General USec. Arturo Cacdac, Jr., sa panukalang pagpapatupad ng wire tapping laban sa sindikato ng iligal na droga dahil nahihirapan silang i-monitor ang galaw ng big time drug syndicate na nag-o-operate sa bansa partikular ang nabuwag na Mexican Sinaloa Drug cartel na nahulihan ng 84 kilos shabu.

Ayon sa opisyal, mabuti na lamang at napakagaling ng mga operating unit na naging dahilan sa pagbuwag ng sindikato.

Inihayag ni Cacdac, pabor sila sa panukala ng ilang mga senador partikular nina Honasan, Escudero, Sotto at Poe na payagang magsagawa ng wire tapping ang law enforcement agencies gaya ng PNP, PDEA at NBI laban sa mga international big time drug syndicate sa bansa upang ma-monitor ang kanilang mga galaw.

Paglilinaw ni Cacdac na bago pa man gawin ang wire tapping sa mga suspected drug syndicate, kailangan munang maaprubahan ito ng korte.

Giit ni Cacdac na layunin ng pag-wire tap  sa mga nasabing sindikato ay para kanilang matalo ang command and control structures ng nasabing drug syndicate.

Naniniwala si Cacdac na ito na ang panahon para maisakatupan ang nasabing panukala nang sa gayon ay hindi na makag-operate pa ang mga tinaguriang sindikato ng droga.

The post Wire tapping vs drug syndicate, aprub sa PDEA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>