PATAY ang isang tanod, habang sugatan naman ang tatlong sibilyan sa naganap na pamamaril ng apat na armadong lalaki sa isang barangay hall sa Pasay City, kagabi.
Naganap ang pamamaril, alas-9:30 kagabi sa mismong barangay hall sa 134, M. dela Cruz Street, ikinamatay ng hindi pa nakilalang biktima.
Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya laban sa mga salarin na sakay ng motor at isang kotse.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na M-16 rifles ang ginamit sa pamamaril.
Inaalam pa ang motibo sa pamamaril.
The post Tanod utas, 3 sugatan sa Pasay shooting appeared first on Remate.