PATAY ang 70-anyos na negosyante matapos barilin ng riding-in-tandem habang naglalakad kaninang hapon sa Malate, Maynila.
Idineklarang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital si Victor Mendoza, ng 1827 Taft Avenue, Malate, Maynila sanhi ng limang tama ng bala sa ulo at ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa imbestigasyon, alas-12:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa Vasquez St., malapit sa panulukan ng Pedro Gil , tapat ng PLDT warehouse sa nasabing lugar.
Patungo ang biktima sa isang restaurant upang kumain nang salubungin ng magkaangkas na suspek saka pinagbabaril.
Napag-alaman na kagagaling lamang ang biktima kasama ang ilang kaanak nito mula sa pagbabakasyon sa Hong Kong.
Ayon sa pulisya, posibleng “hired killers” ang mga suspek dahil intact naman ang gamit ng biktima.
Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.
The post Isa patay sa pamamaril sa Ermita appeared first on Remate.