TODAS ang presidente ng TODA matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City, kaninang madaling-araw, Disyembre 28.
Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Luis Gragasin, 60 ng M. delos Reyes St., Gen. T. de Leon ng lungsod at presidente ng Fortune Extension Tricycle Operators and Drivers Association.
Sa pahayag ng saksing si Wilfredo Haplos, alas-4:30 ng madaling-araw, nagpapaligo siya ng mga baboy sa kanilang bahay sa Santiago St., Gen. T. de Leon ng lungsod nang makarinig ng mga putok ng baril.
Lumabas ang saksi at nakita ang dalawang lalaki na papatakas sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka habang nakatimbuwang na ang biktima na duguan.
Itinawag ng saksi sa mga pulis ang insidente kung saan inaalam na kung sino ang mga suspek at kung may kinalaman sa pagiging presidente ng samahan ang dahilan sa pamamaril.
The post Presidente ng TODA, itinumba sa Valenzuela appeared first on Remate.