PINANINIWALAANG nilooban muna bago pinatay sa pamamagitan ng pagbigti ang 49-anyos na ginang matapos matagpuan ang kanyang bangkay kagabi sa Tenement Building, Punta, Sta. Ana, Maynila.
Inabutang nakatali ang kamay at paa at nakapulupot ang nylon cord sa leeg ng biktimang si Teresita Gonzalez, ng Unit 250 Tenement Building, Punta, Sta. Ana.
Sa report, alas-6 kagabi nang humingi ng tulong si Luzviminda Vallenas, 47, ng Unit 569 Tenement Building kay Barangay Chairman Santiago Alva ng Brgy. 901 matapos makaamoy ng masangsang malapit sa kuwarto ng biktima.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Disyembre 24 pauwi sa kanilang bahay galing sa trabaho.
Nabatid na walang kasama ang biktima sa bahay dahil umuwi sa Eastern Samar ang kanyang live-in partner.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.
The post Bebot ninakawan na, binigti pa appeared first on Remate.