Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

“Atimonan 13″, muntik maulit sa Quezon

$
0
0

LUCENA CITY – MUNTIK na namang mangyari nitong nakaraang Lunes ang madugong insidente noong January 6 sa Atimonan na ikinasawi ng 13 katao kung hindi nakilala ng grupo ng police Intelligence at ng Special Weapons and Tactics (SWAT) ang isa’t-isa, sa Barangay Marketview, sa lungsod na ito.

Sa report na nakalap, sinasabing ang insidente ay nangyari habang ang grupo ng operatiba ng Intelligence ng Provincial Special Operations Group (PSOG) ay inaabangan ang isang tricycle na nagbibiyahe ng kahon-kahong isda na napaulat na ito ay huli sa pamamagitan ng dinamita.

Nang makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen tungkol sa isang grupo ng mga kahina-hinalang armadong kalalakihan na puro nakasibilyang kasuotan, ang city police station ay agarang nagpadala ng isang grupo ng SWAT na armado ng matataas na uri ng armas.

Nang makita ang grupo, ang SWAT team na naka-combat position ay dali-daling sinita ang mga di-nakilalang pulis na mabilis namang nagpakilalang mga operatiba ng Intelligence mula sa Quezon police provincial office.

Nang makita ang mga identification card ng mga pulis, ang SWAT team ay agad na rin unalis sa lugar.

Ngunit niliwanag naman ni Chief Insp. John Von Nuyda na siyang deputy chief Provincial Intelligence Branch na ang kanyang mga tauhan ay walang mga armas ng komprotahin ng SWAT team.

Sa panayam, sinabi ni Nuyda na ang kanyang mga tauhan na pinamumunuan ni PO3 Edison Cada na hindi nagdala ng kanilang mga service firearm dahil hindi sila naka-uniform at ang kanilang target ay hindi naman armado.

“Walang dalang baril ang mga pulis namin at iyan ay patutunayan ng mga SWAT policemen na sumita sa kanila. Kung meron, di sana ay hinuli nila kahit pa kapwa nila pulis”, sabi pa ni Nuyda..

Sinabi ni Nuyda na ang report na ipinarating ng concerned citizen na ang kanyang mga tauhan ay armado ay exaggerated at kasinungalinan lamang.

Ilang minuto ang nakalipas, ang mga operatiba ng Intelligence ay pinahinto ang kanilang target, isang tricycle na kargado ng apat na styrofoam na naglalaman ng pinaghihinalaang isda na huli sa putok.

Napag-alaman na ang mga isda na halos “Buraw” na isang uri ng isda ay nagmula sa baybayin ng Barangay Barra at ito ay dadalhin sana sa city public market.

Nang suriin ng mga fish examiner ng Provincial Agriculturist Office, napag-alaman na ang mga isda ay nahuli sa pamamagitan ng paggamit explosive na mas kilala sa tawag na “bigas- bigas”.

Ang mga suspek na sina, Marilyn Garcia, 55, ng Barangay Barra, Vencio Lagrason, 26, at Rainie Rada, 32, na parehong taga Barangay Dalahican ay nakakulong sa Lucena Lock-up jail habang ang mga nakumpiskang isda ay ipinamahagi sa Quezon Medical Center at Quezon provincial jail.

Ang city police OIC head, Chief Insp. Job de Mesa ay hindi naman makontak upang hingan ng komento sa pangyayari.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>