HINDI na makilala dahil nasa advance state of decomposition na ang limang bangkay na pugot ang ulo na natagpuan sa baybaying bahagi ng Manicahan sa Zamboanga.
Sinabi ni Chief Inspector Ariel Huesca, tagapagsalita ng Western Mindanao Police Office, nagpapatrolya ang mga kapulisan nang makita ang mga bangkay bago mag-alas-6 kagabi.
Naniniwala si Huesca, na bangkay ng mga mangingisdang Badjao ang kanilang natagpuan na una nang napaulat na nawawala noong Disyembre.
“They must be among the Badjao fishermen reported missing in December yet,” wika ni Huesca.
Matatandaang noong Pasko, tinambangan ang grupo ng mga Badjao habang nangingisda sa bayan ng Payao sa Zamboanga Sibugay.
The post 5 bangkay na pugot ang ulo, natagpuan sa Zambo appeared first on Remate.