Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Magkapatid na nawawala sa baha sa Agusan del Norte, natagpuang patay

$
0
0

NATAGPUANG palutang-lutang ang bangkay ng magkapatid na babae na iniulat na nawawala isang gabi matapos matangay ng malakas na agos ng tubig-baha sa Purok 6, Brgy. Manoligao, bayan ng Carmen, Agusan del Norte, kasama ang isa pa nilang kasamahan na una nang natagpuang patay kahapon ng umaga.

Kinumpirma ito ni Vice Mayor Willie Taglucop, matapos unang natagpuang patay kahapon ng umaga si Lucia Bartida, na napadpad ng ilang metro mula sa lugar kung saan sila naanod.

Kinilala ni Mayor Taglucop, ang natagpuan kahapon ng hapon na si Primitiva Burdahi Macabudbud alyas “Baby”, 56, ng District 1, Brgy. Manoligao ay natagpuan sa sapa ng Brgy. Kibungsod, bayan ng Magsaysay, Misamis Oriental.

Kinagabihan naman ay natagpuan din ng pulisya sa bayan ng Magsaysay ang bangkay ng ikatlong biktimang si Lolita Burdahi, na kapatid ni Primitiva.

The post Magkapatid na nawawala sa baha sa Agusan del Norte, natagpuang patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>