BAGSAK-PRESYO na ngayong araw ang diesel at kerosene.
Sa report, alas-12:01 ng madaling-araw kanina nang tinapyasan ng Shell at SEAOIL ng P0.45 kada litro ang diesel samantalang P0.25 naman ang rollback sa kerosene.
Hindi gumalaw ang presyo ng gasolina.
Nag-rollback din ng parehong halaga sa diesel ang PTT Philippines habang mas malaki ang kaltas ng Eastern Petroleum na P0.60 kada litro.
Alas-6:00 ng umaga kanina nang ang Phoenix Petroleum, Total at Petron naman ang nagbawas-presyong P0.45 kada litro sa diesel at P0.25 kada litro sa kerosene.
Bunsod umano ito ng pagbabago sa presyuhan sa pandaigdigang pamilihan.
The post Diesel, kerosene bagsak presyo na appeared first on Remate.