Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Problemado sa pamilya nagpatiwakal

$
0
0

HINIHINALANG problema sa pamilya ang dahilan ng pagpapatiwakal sa pamamagitan ng pagbibigti ng isang Korean sa Las Pinas City.

Nalaman lamang sa himpilan ng pulisya ang pagpapatiwakal ni Kim Jin Seok, 45 kahapon makaraang personal na magtungo sa tanggapan ni Las Piñas police chief Senior Supt. Adolfo Samala, Jr., ang kababayan nitong si Jo Jung Kym, 34.

Sa imbestigasyon, alas-8:30 ng umaga nang magtungo si Jo Jung Kym sa bahay ng biktima sa 16A Rosewood St. Phase 2, Casimiro Village upang dalawin ito.

Pero laking gulat ni Kym nang bumulaga ang biktima na nakabitin at wala nang buhay sa loob ng kanyang tirahan, gamit ang plastic straw na ipinulupot sa kanyang leeg habang ang kabilang dulo ay itinali sa kahoy na pinagpapakuan ng kisame.

Napag-alaman na may matagal nang problema sa kanyang pamilya ang dayuhan at dalawang ulit na nitong tinangkang magpakamatay bagama’t napipigilan at naililigtas lamang ng kanyang mga kaibigang Pilipino.

Iniutos na ni Samala kay SPO1 Joren Lorenzo, may hawak ng kaso, na ipabatid sa Korean Embassy ang pagpapakamatay ng biktima.

The post Problemado sa pamilya nagpatiwakal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>