PATAY ang isang personnel manager ng pagawaan ng barko matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa ibabaw ng tulay, Miyerkules ng hapon, Enero 8, sa Brgy. Tanza, Navotas City.
Dead on the spot ang biktimang si Valentino Aquino, 39, ng Navotas Shipyard Corp. at residente ng 269-E Costudio St., Brgy. Santulan sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 45 sa likod.
Mabilis na tumakas ang hindi pa nakikilalang salarin bitbit ang baril.
Base sa pinagsanib na imbestigasyon, alas-3:45 nang maganap ang insidente sa ibabaw ng Tanza bridge.
Ayon kay Navotas deputy chief of police Supt. Realito Esperida, si Aquino ay sakay ng Kymco motorsiklo (3794-PG) na pula at habang tinatahak ang nasabing tulay patawid ng Hulong Duhat ay rito na siya binaril ng suspek na agaran nitong ikinamatay.
Nakarekober ang mga tauhan ng Scene of Crimes Operatives (SOCO) ng 3 cellular phone, motorsiklo at ang service fire arm ng biktima na kalibre 45 at mga bala.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung ang nasabing krimen ay may kaugnayan sa unang pagtangkang paglikida sa una noong nakaraang October 2013 sa kanilang lugar sa Brgy. Santulan.
The post Manager ng shipyard sa Navotas, utas sa ambush appeared first on Remate.