PARATING na ang unang low pressure area (LPA) sa Pilipinas matapos mamataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, Biyernes.
Ayon kay PAGASA weather forecaster Samuel Duran, nasa 1,400 kilometro Silangan ng Mindanao ang LPA at malaki ang tsansang maging bagyo.
Tatawagin itong Agaton.
Sabado lalapit ang bagyo sa Silangang Mindanao, Davao at CARAGA provinces, samantalang trough ng LPA ang mararanasan sa Mindanao.
Amihan o northeast monsoon sa Luzon ang nagpapaulan sa bansa nitong Huwebes.
Ang Palawan, Visayas at Mindanao ay makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog, habang pulo-pulong mahinang pag-ulan naman ang aasahan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon.
The post Unang bagyo ngayong taon, tatawaging ‘Agaton’ appeared first on Remate.