Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Forced evacuation sa Monkayo, Compostela ipinatupad

$
0
0

AGAD na ipinatupad ng pamahalaan ang sapilitang paglilikas sa mga residente nang gumuho ang lupa na ikinasugat ng dalawang katao sa Monkayo, Compostela Valley.

Batay sa ulat, dalawang landslide ang naganap sa Mount Diwata, sa Monkayo, Compostela Valley province dahil sa walang puknat na pag-ulan.

Sa nasabing landslide, dalawang bahay ang nawasak at isa ang sugatan.

Kaagad na ipinatupad ang forced evacuation dahil sa banta ng karagdagang pagguho ng lupa.

Napag-alaman mula kay Compostela Valley Provincial Police Office S/Supt. Camilo Casculan, naganap ang unang landslide kaninang madaling-araw na nasundan kaninang alas-9 ng umaga.

Ang unang landslide ay naganap sa Purok 1, ang pangalawang landslide ay naganap sa Purok 5 ng Mount Diwata.

Napag-alam na nasugatan sa insidente ang batang si Eizer Tagalog, 5.

Ang mga may-ari ng dalawang bahay na nasira ay kinilala namang sina Ivy Tagalog at Terilio Baginang habang totally damaged ang tahanan ni Edgar Carpentero.

Nasa Mount Diwala Elementary School sa Monkayo ang mga evacuee.

The post Forced evacuation sa Monkayo, Compostela ipinatupad appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>