BINAWIAN ng buhay ang isang menor de edad nang masangkot sa aksidente ang sinasakyang motorsiklo sa Legazpi City.
Sa kanyang Facebook page ay patuloy na bumubuhos ang mga mensahe ng pakikiramay sa biktima.
Nabatid na alas-3:45 kaninang madaling-araw, sakay ang civil engineering student na si Jan Sta. Ana sa motorsiklong minamaneho ng kaibigang si Gian Padilla at binabaybay ang kahabaan ng Rizal St., Brgy. 19, Cabangan, nang makabanggaan ang isa pang motorsiklong minamaneho naman ni Liberato Sarmiento Abad, ng Brgy. Ilawod, Daraga, Albay kasabay ang kanyang dalawang back ride na sina Jonie Malejana, at Voters Martos, kapwa ng Brgy. Cabiguan, Pilar, Sorsogon.
Pare-parehong sugatan ang mga sakay ng dalawang motorsiklo na agad namang dinala sa ospital subalit idineklarang dead on arrival si Sta. Ana.
The post College student, tepok sa aksidente sa motor appeared first on Remate.