NAGBIGTI sa puno ng kanyang amo ang isang hardinerong may diperensya sa pag-iisip sa La Union kaninang madaling-araw, Enero 13.
Sinabi ng pulisya na isang mahabang lubid ang ginamit na pambigti ni Joel Antolin, 33, tubong Surigao del Norte at nagsisilbing hardinero sa isang Carmensita Roman sa Barangay Uli Sur sa bayan ng San Juan, La Union na itinali sa puno ng Lugo.
Nadiskubre ang bangkay ng biktima alas-12: 45 ng madaling-araw sa loob ng bakuran ng bahay ni Roman.
Ayon sa nanay ng biktima na si Narcelita, bago ang insidente ay nais nang umalis ng kanyang anak sa poder ng kanyang amo para balikan ang kanyang trabaho sa Metro Manila.
Nakakaranas din aniya ng mental disorder ang kanyang nagpakamatay na anak.
Samantala, wala namang nakikitang foul play ang awtoridad sa nasabing insidente.
The post Hardinero nagbigti sa punongkahoy appeared first on Remate.