UPANG ikubli ang ikinasang krimen, itinapon ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang bangkay ng isang magkapatid na pinaniniwalaang biktima ng salvaging sa Naguillan Road sa La Union, kaninang umaga, Enero 14.
Sinabi ni Senior Inspector Valentino Abenojar, hepe ng Burgos Municipal Police Station, na kalalaya pa lamang ng mga ex-convict na sina Paul Palangdan, 29 at kapatid nitong si Apollo, kapwa ng Bauko Mountain Province sa New Bilibid Prison (NBP) noong nakaraang Nobyembre 2013.
Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay sa magkapatid pero isa sa mga sinisilip na motibo ay may kinalaman sa robbery case na kinahaharap ng magkapatid.
Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng magkapatid dakong alas 8 ng umaga sa isang malalim na bangin sa
Baguio-Naguillan Road sa Barangay Dalacdac sa bayan ng Burgos sa La Union.
The post Bangkay ng mag-utol, nilaglag sa bangin appeared first on Remate.