Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

200 pamilya, lumikas sa Sulu storm surge

$
0
0

RUMAGASA ang storm surge sa ilang bahagi ng Jolo at Patikul sa Sulu sa kasagsagan ng pag-ulan na dulot ng low pressure area (LPA).

Ayon kay Edmundo Gardino, deputy director ng Office of the Civil Defense – ARMM, umabot sa 236 pamilya o 1,180 indibidwal ang kinailangang ilikas matapos masira ang kanilang mga kabahayan dahil sa paghampas ng mga malalaking alon.

57 bahay naman ng 70 pamilya ang nasira sa Chinese pier.

Sa bahagi ng Patikul, 14 na bahay sa Barangay Bus-bus ang nawasak ng daluyong ng alon at 14 na pamilya ang inilikas habang isang bahay naman ang nasira sa Barangay Takut-Takut.

Sa Barangay Tulay, 41 bahay ang niragasa ng storm surge na may 150 pamilya ang apektado.

The post 200 pamilya, lumikas sa Sulu storm surge appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>