BINALAAN kaninang umaga ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang iba pang bus company kasunod ng pagkansela sa prangkisa ng Don Mariano Transit.
Partikular na tinutukoy ni LTFRB Chairperson Winston Ginez ang mga bus line na nasasangkot sa kaliwa’t kanang insidente at mga paglabag sa batas trapiko.
Ani Ginez, bagama’t may mga naisyu nang kanselasyon sa prangkisa ang LTFRB, ang hatol ngayon kontra Don Mariano ang pinakamalaking desisyon ng board simula noong 1987.
Tumanggi naman si Ginez na tukuyin pa ang mga bus company na namemeligrong mapatawan ng parusang ibinigay sa Don Mariano.
Pagbibida ni Ginez, iba na ang LTFRB ngayon at maikokonsidera na ng taumbayan na “new sheriff in town.”
The post Iba pang bus firm na madalas maaksidente, binalaan appeared first on Remate.