MAKATATANGGAP ng tig-P10,000 na ayuda ang mga pamilyang biktima ng pagguho ng lupa sa bayan ng Cagdianao, Dinagat Islands.
Ito’y base sa ipinasang resolusyon sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan ng naturang probinsya na bibigyan ng cash assistance ang mga biktima matapos ang insidenteng ikinamatay ng anim katao.
Inirekomenda mismo ng PDRRMC ang naturang resolusyon sa pamamagitan ni Acting Gov. Benglen Ecleo.
Kukunin ang naturang halaga mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Fund o PDRRMF Quick Response Fund.
Samantala, nasa maayos na kondisyon na ang dalawang survivors sa naturang pagguho na sina Renz Anthony Geltura at Jose Cabillan.
The post P10K cash assistance, ibibigay sa pamilyang biktima ng landslide sa Dinagat Islands appeared first on Remate.