NAARESTO ang dalawang Filipino-Canadian national sa isang pagawaan ng iligal na droga sa isang condominium sa Bonifacio Global City, Taguig
Alas-4:00 ng madaling-araw, sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kitchen-type laboratory sa ikatlong palapag ng The Luxe Residences sa 28th Street cor. 4th Avenue at nakakuha ng shabu, cocaine at ecstasy.
Sa bisa ng search warrant, isang office space laboratory ang hinihinalang inuupahan ng Canadian-Mexican-Iranian drug cartel.
Ayon sa NBI, strategic ang lugar dahil parking lot ang nakapalibot sa laboratoryo. Ibig sabihin, madaling naipupuslit sa condominium ang mga ilegal na droga para i-deliver.
Dalawang Filipino-Canadian ang naaresto ng awtoridad sa operasyon sa The Luxe.
Patuloy ang inventory sa mga nasamsam na ilegal na droga.
Samantala, nabatid na limang lugar, kasama ang The Luxe, ang sabay-sabay na ni-raid ng NBI.
Mayroon pa sa Serendra sa BGC, Taguig; Makati at iba pang lugar sa Metro Manila.
Sa lima, isa lamang ang nag-negatibo at ang kitchen-type sa The Luxe ang pinakamalaki.
The post 2 Fil-Canadian tiklo sa Illegal drug lab appeared first on Remate.