Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot nilatigo dahil sa homosexual offenses

$
0
0

NILATIGO ng 20 beses ang isang lalaki sa Nigeria matapos hatulan ng Islamic court sa Bauchi City dahil sa ‘homosexual offenses’.

Kinilala ang biktima na si Mubarak Ibrahim.

Sa Nigeria, ang homosexual act ay ilegal sa ilalim ng Islamic at secular law na kung saan ang sinumang lalabag ay mahaharap sa parusang ‘stoning to death’ o batuhin hanggang sa mamatay.

Sa kaso ni Ibrahim, ikinonsidera ng huwes ang pagkakamali nito may pitong taon na ang nakararaan at itinigil na ng nasabing gawain.

Una rito, inaprubahan ni President Goodluck Jonathan ang parliamentary bill na nagbabawal sa same-sex marriages, gay groups at pagpapakita ng pagmamahal sa publiko.

Sakop ng panibagong batas ang boung Nigeria.

Maliban kay Ibrahim, inaresto nitong nakalipas na buwan ang 11 Muslims at isang Kristiyano dahil sa akusasyong homosexual ang mga ito.

The post Kelot nilatigo dahil sa homosexual offenses appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>