DAHIL sa kumalat niyang sex video ay agad na inalis sa pagiging guro ang isang lalaki sa Laoag City.
Nabatid na nakita ang sex video ng guro sa isang porno website sa internet.
Agad namang inamin ng Northern Christian College na kanilang isinailalim sa due process ang guro na umamin at kumumpirma sa pagkakaugnay sa sex video na humingi na rin ng paumanhin sa pamunuan ng paaralan.
Lumalabas na kasama ng guro sa sex video ang kanyang graduating student.
Unang linggo nitong Enero nang kumalat ang sex video ng guro at kanyang estudyante sa Internet dahilan para sibakin sa pagtuturo ang teacher noong Enero 8, ngayong taon.
The post Guro, sibak sa sex video sa Laoag appeared first on Remate.