TODONG nasunog ang isang bus na sumalpok muna sa dalawang gusali sa Commonwealth, Quezon City kagabi.
Nabatid na alas-10 kagabi nang mawalan ng kontrol ang drayber ng bus sa kanyang minamaneho dahilan para sumalpok sa dalawang gusali sa Brgy. Balanga at nagliyab.
Agad namang kumalat ang apoy dahil isa sa binanggang gusali ay pagawaan ng kalendaryo.
Nabatid na ang nasabing bus ay pag-aari ng sister company ng kinanselahan ng prangkisa na Don Mariano Bus Company.
Agad namang tumakas ang drayber at kanyang konduktor.
The post Bus nasunog sa QC, 2 gusali nadamay appeared first on Remate.