Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: 34 na patay sa sama ng panahon sa Mindanao

$
0
0

UMABOT na sa 34 ang patay dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa dulot ng sama ng panahon na ngayon ay tuluyan nang naging bagyo at tinawag na Agaton sa Mindanao.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tatlong biktima ng pagkalunod at landslide ang nadagdag sa listahan na kinilalang sina Norvin Alvarez, 24, ng Bangol, Tarragona; Ana Marie Noble Ocite, 2, ng Kaimpugan, San Francisco; at Lisa Moreno, 39, ng Nueva Era, Bunawan.

Aabot naman sa 65 ang sugatan at pito ang nawawala, samantalang may 460,000 katao ang apektado ng flashfloods at landslides.

May 57 kalsada at 21 tulay ang hindi madaanan samantalang may 602 bahay ang nawasak at 713 naman ang bahagyang nasira.

May 17 lugar ang nasa ilalim ng state of calamity sa Regions 10, 11 at CARAGA.

Sa hiwalay na report, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather observer Gilbert Aquino na ang bagyo ay may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras (kph).

Nakataas ang signal number 1 sa Surigao del Norte, Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Province, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostella Valley.

Huling namataan ang bagyo sa layong 260 kilometro timog-silangan ng Guiuan, Easter Samar.

Inaasahang babagtasin ng bagyo ang Mindanao pababa ng Davao sa mabagal na pagkilos na 5 kph patimog kanluran.

The post UPDATE: 34 na patay sa sama ng panahon sa Mindanao appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>