TODAS ang isang kelot nang barilin ng hindi pa nakikilalang riding in tandem habang ang una ay naglalaba kasama ang kanyang ka-live-in kagabi sa Brgy. Longos Malabon City.
Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center si Danilo Gabrino, 52, ng Blk 12, Lot 8, ng nasabing barangay sanhi ng dalawang tama ng bala ng kalibre 45 sa nguso at sa dibdib.
Mabilis namang tumakas ang suspek na kinabibilangan ng isang babae na sakay ng get away Yamaha Mio motorsiklo na kulay itim at hindi naplakahan.
Ayon sa ulat, alas-9:30 kagabi nang maganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Nabatid na kinumpirma muna ng mga salarin na positibo ang kanilang target nang daanan muna sakay ng motorsiklo.
Ilang saglit, binalikan ng suspek ang biktima habang naglalaba kasama ang live-in partner na si Josephine Nazareta at agad pinagbabaril sabay sigaw ng isa sa mga suspek ng “Ano Danny kaya mo pa ba?”
Kinumpirma naman ni Josephine na si Danny ay nasangkot sa kasong carnapping at robbery noong 2005 sa Caloocan City at kasalukuyang aktibong runner ng mga ilegal na droga sa kanilang lugar.
The post Kelot itinumba sa harapan ng ka-live-in appeared first on Remate.