Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

500K katao apektado na ng LPA naitala

$
0
0

NAITALA ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa 500,000 katao ang apektado ng Low Pressure Area (LPA) bago pa man naging ganap na bagyong Agaton.

Ang LPA sa Mindanao ay nakapagtala ng mga casualties at daan libong pamilyang apektado dahil sa walang tigil na pag-ulan sa iba’t ibang rehiyon sa Mindanao.

Sa ulat ng NDDRMC halos nasa 45 katao na ang naitalang patay habang nasa 64 katao naman ang mga sugatan.

Ito ay maliban pa sa 97,153 na mga pamilyang naapektuhan o katumbas ng nasa 463,527 katao mga inilikas na siyang tinutulungan ng gobyerno.

Kaugnay nito, nagpadala na rin ang NDRRMC ng tauhan sa mga apektadong rehiyon gaya na lamang ng Region XI, Region XIII, Region 10 at Region 9.

Ayon kay Reynaldo Balido, NDRRMC spokesman, sapat na ang kanilang kagamitan at tauhan na siyang nakabantay sa rescue operation at tulong na kinakailangan sa mga apektado.

Sa ngayon nakapagtala na rin aniya ang NDRRMC ng nasa 14 tulay, 44 kalsada at walong public infrastructure ang nasira mula sa Regions X, XI, at XIII maliban pa ito sa 12, 226 ektaryang nasira mula sa agrikultura sa Region XI at XIII.

The post 500K katao apektado na ng LPA naitala appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>