HANGGANG Enero at unang bahagi pa ng Pebrero, tatagal ang malamig na panahon, ayon sa ulat kaninang umaga ng state weather bureau.
“Even at daytime, the weather is cool primarily because of the strength of icy winds blowing from Siberia,” paliwanag ni Robert Sawi, officer in charge ng weather division ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Kahit ang northeast monsoon, o mas kilalang hanging amihan na nagsimula sa huling bahagi ng nakaraang taon ay nararanasan pa rin sa bansa na tatagal hanggang Pebrero.
Base sa PAGASA’s climate data, ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay naitala noong Pebreo 1962, na 14.6 degrees Celsius, sa Science Garden sa Quezon City. Ang Baguio City, na summer capital ng bansa ay nakapagtala ng pinakamalamig na klima noong Enero 1961, na 6.3 degrees.
Ngayong 2014, ang pinakamababang temperatura sa Metro Manila ay 19.2 degrees Celsius at naitala ito noong Jan. 1 at Jan. 12. Naitala naman ang pinakamalamig na temperatura sa Baguio sa 9.6 degrees, at ito ay naramdaman noong Enero 12 din.
The post Malamig na panahon hanggang Pebrero pa appeared first on Remate.