ISINAILALIM na sa orange alert ang Cagayan de Oro.
Ito ay dahil kinakailangang lumikas na ng mga bata, buntis, matatanda at ang mga may sakit tungo sa iba’t ibang evacuation center sa lungsod.
Sinabi ng PAGASA na kapag inihayag na ang orange alert ay isasailalim agad sa preemptive evacuation ang mga naninirahan sa flood at landslide prone areas maging ang mga nakatira sa baybaying dagat.
Una rito, may pagtaas na sa halos isang metro ang tubig sa Cagayan de Oro river kaya’t isinailalim na agad sa preemptive evacuations ang mga calamity areas sa siyudad dala ng bagyong si Agaton.
The post Orange alert itinaas sa CDO appeared first on Remate.