PINAGHAHANAP na ng kinauukulan ang isang lalaki matapos gahasain ang isang babae sa Lucena City.
Nabatid na 24-anyos na dalagang ina ang nagtungo sa himpilan ng PNP-Lucena City upang ipagbigay alam ang nangyaring panghahalay sa kanya ng isang 44 na suspek na kinilalang si Fernando Ibanez.
Ayon sa biktima, pasado alas-11:30 kagabi, habang natutulog sa kanilang bahay ang biktima kasama ang isang taong gulang na anak nang pasukin ng suspek.
Sapilitan siyang ginahasa at matapos ito’y agad na tumakas.
Hanggang ngayon, pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek habang inihahanda naman ang kasong paglabag sa RA 8353 laban sa salarin.
The post Dalagang ina hinalay sa sariling bahay appeared first on Remate.