DAHIL sa pananalasa ng matinding buhos ng ulan dala ng masamang panahaon, tatlong magkakapatid ang namatay dahil sa pagguho ng lupa at bato sa Brgy. San Juan, Tuburan, Cebu.
Agad na binawian ng buhay ang magkapatid na sina Jonabell Aryas, 3; Jose Aryas Jr., 14; habang nadala pa sa pagamutan ang limang taong gulang na si Jondell Aryas pero binawian na rin ng buhay pagkatapos ng walong oras.
Napag-alaman na kasama rin ng mga ito ang kapatid nilang bagong silang na sanggol ngunit himalang nakaligtas sa trahedya.
Ayon kay PO1 Joseph Bejer ng Tuburan Police, natutulog ang magkakapatid sa kanilang bahay habang naglalaba naman sa labas ang kanilang ina nang biglang gumuho ang lupa na may dalang malalaking bato kaya natabunan ang mga biktima.
Samantala, patuloy pa ngayong binibigyan ng lunas ang sanggol matapos magkaroon ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
The post Mag-uutol todas sa landslide, sanggol nakaligtas appeared first on Remate.