PATAY ang 40-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa bisperas ng kapistahan ng Sto. Nino sa Tondo.
Namatay habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center Erwi Cristobal, ng 517 Pacheco sa kanto ng Franco Sts., Tondo sanhi ng tama ng bala ng baril sa bumbunan at sa balikat.
Inilarawan naman ang suspek na nakasuot ng puting t-shirt na naglakad lamang papalayo matapos ang krimen.
Sa report, alas-11:00 kagabi nang naganap ang pamamaril malapit sa bahay ng biktima.
Ayon sa salaysay ni Aling Teresita Cristobal, ina ng biktima, nakaupo lamang ang kanyang anak at nagte-text nang barilin ng suspek.
Agad isinugod sa ospital ang biktima subalit namatay din.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay.
The post Tambay todas sa pista ng Sto. Niño appeared first on Remate.