AGAW-BUHAY sa ospital ang 33-anyos na tibo nang pagsasaksakin at gilitan pa sa leeg ng sariling pinsan matapos mainsulto ang huli sa pang-aasar sa kanya ng biktima dahil sa pagiging torpe nito sa panliligaw kagabi sa Taguig City.
Kinilala ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis ang biktima na si Janita Pre-Era, mensahera at residente ng 27-B Taal St., Palar Village, Brgy. Pinagsama habang hinahanap na ng pulisya ang tumakas na suspek na si Kheiper Balayang, 20.
Sa imbestigasyon, dumating sa kanilang tirahan ang biktima, kasama ang ilang mga kababaihan na kasama sa trabaho noong Sabado ng gabi at nag-inuman, kasama ang suspek na si Balayang.
Matapos makaubos ng ilang bote ng alak, nagkakantiyawan na umano ang grupo at napagtuunan ang suspek na hindi pa umano nakakabingwit ng kasintahan dahil sa pagiging torpe at nadaig pa ng pinsang tomboy na may magandang ka-live-in at kinahuhumalingan pa ng ilang kababaihan.
Mistulan namang nainsulto ang biktima kaya’t kumuha ng basyo ng bote at ipinalo sa ulo ng pinsan. Hindi pa nasiyahan, bumunot ito ng patalim at pinagsasaksak ang biktima bago ginilitan sa leeg.
Isinugod naman ang biktima ng kanyang ka-live-in na si Juilie Ann Pudoc, 24 sa Taguig Pateros District Hospital matapos tumakas ang suspek, bitbit ang ginamit na patalim.
The post Tibo na nanukso ng torpe, sinaksak appeared first on Remate.