LAOAG CITY – Patay na nang matagpuan ang isang ama ng tahanan matapos magpakamatay sa loob ng furniture shop sa Barangay 48-B, Cabungaan, La Union kaninang umaga.
Kinilala ng La Union police ang biktimang si Nelson Bibit, 27, ng nasabing barangay.
Ayon kay Warlito Natividad, bayaw ng biktima, magdamag na hindi lumabas ng furniture shop si Bibit kaya nang kanyang tawagin kaninang umaga para kumain at hindi sumagot ay pilit na niyang binuksan ang pintuan at dito na nakitang nakabitin ang wala ng buhay na biktima.
Napag-alaman na ang biktima at ang asawa nito ay nag-away bago ang insidente
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa na ng follow-up operation ang local police force.
The post Inaway ni misis, mister nagbigti sa Laoag City appeared first on Remate.