BUMALIGTAD ang isang delivery truck sa southbound lane ng Buendia flyover sa South Super Highway, Miyerkules ng umaga.
Ayon sa driver ng 6-wheeler truck na si Arman Moleta, nawalan siya ng preno kaya bumangga sa center island at nasagasaan pa ang ilang poste ng ilaw. Tumilapon din ang dalawang gulong ng trak sa harapan.
Galing pier ang trak na may kargang wine at patungo sana sa Bicutan nang maaksidente.
Bahagyang nasugatan si Moleta at pahinante nito.
Unang naialis ang trak pero naiwan pang nakabalandra ang 10-foot container van nito.
Ang problema pa, tumagas ang krudo ng trak.
Rumesponde na ang Makati Fire Department at isinara muna ang flyover para maialis ang nagkalat na langis.
Dumating na rin ang mga tauhan ng MMDA para tumulong sa pag-alis ng container van.
Minamadali ang paglilinis lalo’t alas-9:00 ng umaga ay daraan sa flyover si Pangulong Noynoy Aquino para dumalo sa inaguration ng Skyway project sa Buendia area.
Nagdulot ng pagsisikip sa trapiko ang aksidente.
The post Delivery truck bumaligtad sa Buendia flyover appeared first on Remate.