Quantcast
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bus swak sa tulay sa Samar, 1 patay

PATAY ang isa, habang umabot sa 54  ang sugatan na mga pasahero sa nahulog na bus sa isang tulay sa Calbiga, Samar, Martes ng gabi, Enero 21.

Kinilala ang namatay na si Ronna Quezon, 18, may-asawa na taga-Julita, Leyte.

Sa impormasyong nakalap, galing ng Metro Manila ang bus (TOE-465) na pag-aari ng kompanyang Super 5 nang mahulog sa Balugo bridge sa San Sebastian, Calbiga, Samar.

Sinasabing kabilang sa mga sugatan ang konduktor at dalawang driver.

Sinagot naman ng kompanya ang pagpapagamot sa mga sugatan.

Samantala, hinahagilap pa ngayon ang drivers na nakalabas na rin ng ospital.

Ayon sa pulisya, wala pang kasong isinampa dahil wala pang naghahain ng reklamo mula sa mga pasahero.

Beneberipika rin ng mga imbestigador ang impormasyon na nag-inuman pa ang mga driver habang nasa ferry pa lamang o Ro-Ro vessel bago nangyari ang insidente.

The post Bus swak sa tulay sa Samar, 1 patay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>