PATAY ang isang buntis nang suwagin ng kasunod na motor ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Isabela.
Kinilala ang biktima na si Brenda Tadena, 23, walong buwan na buntis, habang sugatan naman ang kanyang mister na si Jerson Tadena, 21.
Agad namang sumuko sa pulisya ang drayber ng bus na bumangga sa mga biktima na si kinilalang si Pepito Bernabe, 24, ng Maligaya, Mallig, Isabela.
Sa imbestigasyon, alas-8:30 kagabi habang binabagtas ng mga biktima ang Sifu bridge sa Barangay Nuesa sa Roxas, Isabela nang banggain ng kasunod na suspek dahilan para tumalsik ang buntis na biktima at bawian ng buhay.
The post Buntis sinuwag ng motor, todas appeared first on Remate.