DAGUPAN CITY – Dahil lamang sa hindi pagkakaintindihan, isang 35-anyos na lalaki ang pinagsasaksak hanggang sa mamatay sa Binmaley, Pangasinan.
Kinilala ng Binmaley police station ang biktima na si Joseph Lomibao, ng Barangay Sta. Rosa, Binmaley, nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan.
Samantala, ang suspek na agad na tumakas pagkatapos ng insidente ay nakilalang si Isaac Mislang, ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon, may pinag-uusapan ang biktima at suspek nang magtalo hanggang mauwi sa pananaksak.
The post Kelot itinumba ng nakatalo sa Dagupan appeared first on Remate.