INIIMBESTIGAHAN na ng awtoridad ang pagkamatay ng 10-anyos na babae na ginasaha muna bago pinatay sa Malainen Luma sa Naic, Cavite, kagabi.
Inaalam na rin ng awtoridad kung sino ang nasa likod sa karumal-dumal na pagpaslang sa biktima.
Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-9:00 kagabi nang natagpuan ang biktima na si Cheska Katibayan Santos sa madilim na bahagi sa isang inaayos na subdivision sa naturang barangay.
Sa pagsusuri, may palo ng matigas na bagay sa ulo at mukha ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Wala ring saplot ang ibabang bahagi ng katawan ng biktima.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay na karumal-dumal na insidente.
The post Paslit, ginahasa bago pinatay sa Cavite appeared first on Remate.