BAGUIO CITY – Isang babae ang inaresto ng mga pulis makaraang mahulihan ng shabu na nakasilid sa condom nang dumalaw sa kanyang mister sa conjugal room sa Baguio City jail nitong Biyernes.
Sinabi ng Baguio City police na ang suspek na si “Jocy” ay bumisita sa conjugal area ng kanyang asawa na si Josmar Galano bandang 2pm nang mapansin ng nagbabantay na guwardya ang kahina-hinalang kilos nito.
Nakumpiska kay Galano ang 10 gramo ng shabu.
Samantala, itinanggi naman ni Jocy ang paratang sa kanya.
The post Bebot huli sa shabu na nasa condom appeared first on Remate.