PATAY sa engkuwentro ang isang miyembro ng gun for hire sa Baseco, Tondo kagabi, Biyernes, Enero 24, 2014.
Kinilala ang suspek na si alyas “Boy Abag” na nahuli ng mga pulisya sa Block 1, Gasangan sa Baseco Compound.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, alas-10 kagabi nang makarinig ng barilan sa lugar. Nang makarating ang awtoridad ay nagtatatakbo ang suspek.
Ayon kay SPO3 Glenn Zurballejo ng Homicide Section sa Manila Police District (MPD), pinagbabaril ni Boy Abag ang pulisya dahilan para gantihan din ito ng putok.
Nagawa pa nitong maghagis ng granada na sumabog din sa lugar.
Natagpuan naman sa putikang bahagi ng isang bahay ang katawan ng suspek.
Nakuha sa kanya ang ilang drug paraphernalia, granadang hindi sumabog at isang kalibre .38mm na baril.
The post Miyembro ng gun for hire utas sa engkuwentro appeared first on Remate.