DINEPENSAHAN mula sa kritiko ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Alan Purisima ang police forensic experts na hindi umano nila nasala ang pagproseso sa crime scene sa Atimonan, Quezon kung saan naganap ang madugong checkpoint na ikinamatay ng 13 katao.
Ang pagbatikos ay nag-igting sa pagkakatagpo pa ng mga slugs mula sa lugar ng krimen ng medico-legal officer mula sa National Bureau of Investigation (NBI) na inatasan na magkasa ng mas malalim na imbestigasyon sa insidente.
Samantala, sinabi ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas, na ang ahensya ay mayroon nang maliwanag na scenario kung ano talaga ang naganap sa Atimonan checkpoint noong nakaraang Enero 6.
Gayunman, tumanggi si Rojas na kumpirmahin ang ulat na ang controversial shootout ay resulta ng isang “conspiracy” o pakikipagsabwatan
Sinabi ni Purisima na posibleng nawalan ng interes sa pagsisiyasat ang mga (SOCO) analysts dahil noong una ay hindi sila pinayagan makapasok sa lugar.
“They have reasons for committing those lapses. Somebody prevented them from entering the crime scene,” pahayag ni Purisima.
Nauna rito, inilagay ng PNP chief ang 22 policemen sa ilalim ng restrictive custody dahil sa pagkakasangkot sa pagpatay sa sinasabing jueteng lord at 12 iba pa.