Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Suspek pa sa pagpatay sa biyuda, nadakip na

$
0
0

massacreNADAKIP na ang isa pang suspek sa pagpatay sa biyuda at malubhang ikinasugat ng tatlong anak sa Caloocan City noong 2012.

Kinilala ang nadakip na si Mark Jay Lorgonio, 29, ng Reparo, Libis Baesa ng lungsod.

Una nang nadakip si Ivan Lou Climaco, 28, ng nasabing lugar habang pinaghahanap pa ang tatlong mga kasama na hindi muna pinangalanan matapos pasukin at pagsasaksakin ang kapitbahay na si Anna Aguilio, 46 at mga anak na sina Justine Ann, 15; Arvin John, 13 at Alfer John, 11 noong Pebrero 6, 2012, alas-4:30 ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay si Anna sa Manila Central University Hospital kung saan ginamot naman ang mga anak.

Nakita pa ang mga suspek ng ilang mga saksi na umiinom ng softdrinks sa balkonahe ng mga biktima bago nagsitakas.

Kinabukasan ay nadakip si Climaco habang nag-aabang ng masasakyan sa Camachile, Quezon City habang nakasibat ang iba pang kasama.

Nabatid kay Adora na mahigit isang buwan nilang pinostehan ang nasabing lugar hanggang sa malaman na nagbalik si Lorgonio at kahapon, alas-3 ng hapon ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest si Lorgonio na ipinalabas ni Judge Dionisio Sison ng RTC Branch 125.

The post Suspek pa sa pagpatay sa biyuda, nadakip na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>