NAGSAGAWA na ng manhunt operation ang awtoridad laban sa suspek na nagtangkang bumaril sa isang barangay chariman sa Brgy. Mambug, Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Sa insidente, sugatan si Barangay Captain Aurelio Bantic matapos mabaril nang rumesponde sa isang lamayan dahil sa pagpapaputok ng baril ng suspek na si Peter Filarca.
Ayon sa impormasyon, pumunta sa lamayan ang suspek ngunit bigla na lamang nagpaputok ng baril gamit ang kalibre 45.
Agad namang rumesponde ang kapitan matapos maipalaam sa kanya ang pangyayari.
Dahil sa pagmamatigas ng suspek na isuko ang kanyang baril ay nakipag-agawan pa ang kapitan sa kanya hanggang sa maiputok ito at natamaan sa binti ang opisyal.
Agad namang tumakas ang suspek habang ang kapitan ay nilalapatan na ng lunas sa Candon City Hospital.
The post Kapitan tangkang itumba habang nasa lamay appeared first on Remate.