PATAY ang isang street vendor sa Divisoria, Maynila matapos pagbabarilin, Sabado ng gabi.
Kinilala ang biktima na si Edilberto dela Cruz, Jr., 44.
Ayon sa asawa nitong si Emerlina, nagliligpit na ng kanilang mga bentang kape at tinapay ang kanyang asawa nang lapitan ng salarin na hindi na niya namukhaan.
Nagtamo ng apat na tama ng bala ang biktima, habang nakakuha ng tatlong basyo ng bala sa lugar.
Tingin naman ng ginang, maaaring awayan sa pwesto ang motibo sa pamamaslang dahil minsan na anya silang pinalayas sa lugar.
The post Vendor sa Divisoria, patay sa pamamaril appeared first on Remate.