PATAY na nang matagpuan ang isang binata na nakadapa sa ilalim ng kanal kaninang madaling-araw sa Langka Road, Potrero, Malabon City.
Kinilala ang biktima na si Rolando Marcelo, 41, welder, ng Exec fabrication at residente ng 232 Panghulo Obando, Bulacan.
Sa imbestigasyon, alas-5:40 kaninang umaga nang madiskubre ni Roy Espino ang biktima na nakadapa at wala nang buhay sa ilalim ng kanal malapit sa gate ng Candyman factory sa nasabing barangay.
Nauna rito, huling nakitang buhay ang biktima alas-8:45 kagabi na lasing na lasing at nakasalampak na sa semento.
Inaalam pa kung may foul play sa insidente.
The post Welder natagpuang patay sa kanal sa Malabon appeared first on Remate.