PATAY ang isang construction worker habang sugatan ang kasamahan nito nang saksakin ng isang estranghero na nambastos sa kanilang kasamang babae sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, Enero 26.
Dead on arrival sa pagamutan sanhi ng saksak sa tiyan ang biktimang si Reymond Obar, 22, ng Interior 12, Dominador St., Tandang Sora, QC.
Nakaratay naman sa ospital sanhi ng isang saksak sa kanang binti ang kapwa obrero ni Obar na si Joshua Disanta.
Hinahanting na para panagutin sa krimen ang isang hindi nakikilalang lalaking istambay sa Novaliches, QC.
Naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa kanto ng Quirino Highway at Mindanao Avenue.
Ayon kay Cristituto Zaldariaga, ng QCPD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bago ang insidente ay naglalakad sa lugar ang dalawang biktima kasama ang kanilang kaibigang babae na hindi nakuha ang pangalan nang papilyo itong pituhan ng suspek.
Nakakalalaki, kinompronta naman agad nina Obar at Diasanta at hinamon ng suntukan ang estranghero pero imbes magpaliwanag o humingi ng paumanhin ay pinagsasaksak nito ang magkaibigan at saka tumakas.
The post 1 todas, 1 sugatan sa sipol sa QC appeared first on Remate.