Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Demolisyon sa Brgy. Bagong Pagasa inulan ng bato at pillbox

$
0
0

UMULAN ng bato at pillbox mula sa mga residente ng Sitio San Roque, Agham Road, Brgy. Pagasa, Quezon City makaraang idemolis ng Quezon City government ang kanilang mga bahay kaninang tanghali Enero 27, 2014.

Umaga pa lamang ay nagsagawa na ng barikada ang mga residente sa lugar matapos tumangging lisanin ng mga ito ang kanilang bahay at para pigilan ang demolition team na gibain ang kanilang mga bahay.

Ayon sa ulat, alas-12:45 ng tanghali nang umulan ng bato, pillbox, bote at mga dumi ng tao mula sa mga residente patungo sa demolition team, subalit hindi pa rin napigilan ang paggiba sa mga kabahayan.

Aabot sa limang 10-wheeler dump truck na demolition personnel ang ipinakalat sa lugar para idemolis ang mga bahay sa lugar matapos maunang gibain ang mga tindahan at puwesto sa loob ng Manila Seedling Bank Foundation, Inc. (MSBFI) matapos ipag-utos ni Victor Endriga, senior consultant to the Quezon City mayor.

Ilang minuto rin nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga residente sa lugar at demolition crew.

Ayon sa ilang residente na tumangging magpabanggit ng pangalan, binigyan sila ng P25,000 para lumipat sa resettlement site subalit umalis din sila sa bago nilang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan dahil sa kawalan ng tubig sa lugar at kawalan ng mapagkakakitaan.

The post Demolisyon sa Brgy. Bagong Pagasa inulan ng bato at pillbox appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129